Nagbibigay-galang sina Gng. Gloria Macapagal Arroyo (pangatlo mula sa kaliwa), Pangulo ng Pilipinas, at si Ambassador Kristie Kenney ng Amerika sa alaala ng mga sundalong Amerikano at Pilipino na nagbuwis ng kanila buhay noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ng mag-alay ng bulaklak ang dalawang opisyal sa isang seremonya sa Palo, Leyte noong Oktubre 20. Ipinagdiwang sa seremonya ang ika-65 annibersaryo ng pagdaong ni Heneral Douglas MacArthur sa Leyte noong 1944 upang palayain ang Pilipinas mula sa pananakop ng mga hukbong Hapones. Ang Labanan sa Leyte Gulf, na kinabilangan ng 738 ng barkong pandigma at 200,000 sundalo ng mga Kaalyadong Pwersa, ay siyang pinakamalaking labanan ng mga hukbong dagat sa Pasipiko at nagresulta sa matinding pagkatalo ng hukbong dagat ng bansang Hapon.