Embassy of the United States In Manila 1201 Roxas Blvd. - Ermita Manila - The Philippines Hours of Operation: 7:30am - 4:30pm Manila Time (2330 - 0830 GMT) Tel: (63-2) 528-6300 Fax: (63-2) 522-4361
About the Embassy
Consular & Visa Services
Press & Public Releases
Government Links
Contact Us

Nonimmigrant Visa

     
 
Isang Serbisyong Pahayag sa mga Aplikante ng Bisa
 
     
 

Ang U.S. Department of State ay mahigpit ngunit pantay na nangangasiwa sa proseso ng bisaupang maprotektahan ang Estados Unidos.  Itinataguyod namin ang pagiging bukas, na sadyang katangian ng Estados Unidos.   Ang paglalakbay sa Estados Unidos ay aming tinatanggap at hinihimok.  Ipinapangako namin sa inyo, aming mga aplikante ng bisa, na:

 
     
 
Pakikitunguhan namin kayo ng may paggalang at respeto, kahit kami ay hindi makapagbibigay ng bisa.
   
Ituturing namin kayo bilang isang indibidwal at ang inyong kaso na bukod-tangi.
   
Aming laging aalalahanin na para sa inyo, ang interbyu para sa bisa ay maaaring bago o nakakakabang karanasan na maaaring magdulot ng tensyon.
   
Gagamitin namin ang limitadong oras na nakalaan para sa interbyu upang makuha ang kabuuan ng inyong plano at intensiyon sa paglalakbay.
   
Gagamitin namin ang aming pangkasalukuyang kakayahan na pantay na matulungan ang lahat ng aplikante na makakuha ng appointment upang makapaglakbay sa tamang panahon para sa negosyo, pag-aaral at iba pang mahalagang obligasyon.
   
Kami ay maglalagay ng detalyado at wastong impormasyon ng mga kakailanganin at paraan ng pag-aaplay ng bisa sa website ng bawat Embahada at Konsulado.
   
Kami ay maglalahad ng impormasyon ng panahon ng ipaghihintay ng mga aplikante para sa appointment sa bawat Embahada at Konsulado na makikita sa http://travel.state.gov/.
   
Aming ipaliliwanag ang dahilan sa ano mang pagkakataon ng hindi pagbibigay ng bisa sa inyo.
   
 
     
 

Bilang karagdagan, kung ikaw ay:

 
     
 
Estudyante, gagawin namin ang lahat ng paraan upang matiyakna ikaw ay makakakuha ng appointment at, kung kwalipikado, ng bisa para sa tamang simula ng klase.
 
Manlalakbay na may medikal at matinding pangangailangan, aming bibilisan and pagpo-proseso para sa mga may mahihigpit na pangangailangan patungkol sa buhay.
 
Mangangalakal, kami ay magtatatag ng nararapat na mga paraan upang mapadali ang paglalakbay para sa pangangalakal at mapabilis ang mga kasong patungkol sa pangangalakal sa Estados Unidos.
   
 
     
 

Gayon pa man, inaasahan namin kayo, mga aplikante ng bisa, na

 
     
 
Planuhin ang inyong paglalakbay at pag-aaplay ng bisa ng mas maaga hangga’t maaari.
 
Kumpletuhing mabuti at wasto ang aplikasyon.
 
Maging bukas at makatotohan patungkol sa inyong layunin at plano.
 
Maghanda para sa inyong interbyu upang maliwanag at maiksing mailarawan ang inyong mga intensyon.
   
 
     
 

(Pebrero 2006)

 
     
 

Para sa Ingles na bersyon, pumunta dito.

 
     
Last Update :: 06/24/2009

This site is produced and maintained by the Public Affairs Section of the U.S. Embassy Manila.
Links to other Internet sites should not be construed as an endorsement of the views contained therein.
Privacy Notice and Disclaimer