Tagalog - Death
_______________________________________________
- Pag-uulat ng Kamatayan ng isang Amerikano
- Pakikipag-ugnayan sa mga Punerarya sa Pilipinas
- Pagpapadala ng Pondo/Pera sa Embahada ng Estados Unidos
- Tinatayang Gastusin ng mga Serbisyo Ukol sa Pagkamatay sa Manila Area
- Consular Mortuary Certificate
- Consular Report of Death of An American Citizen Abroad
_______________________________________________
Pag-uulat ng Kamatayan ng isang Amerikano
Ang pagkamatay ng isang mamamayan ng Estados Unidos ay dapat na ipagbigay-alam kaagad sa Embahada. Ang Embahada ang magbibigay-alam sa pamilya kung kinakailangan at magsasakatuparan ng kanilang mga tagubilin tungkol sa pag-aayos ng labi. Bilang karagdagan, maliban kung ang mga pinakamalapit na legal na kamag-anak ay nasa Pilipinas, ang Embahada ay kikilos sa ngalan ng mga tagagawa (executor) bilang pansamantalang tagapag-ingat ng mga ari-arian.
Sa oras ng trabaho, ang angkop na tanggapan ng Embahada ay ang American Citizen Services Unit (Tel: (63) (2) 301-2000 x2246.) Matapos ang oras ng trabaho, maaaring makipag-ugnayan sa lalong madaling panahon sa duty officer ng Embahada sa telepono (63) (2) 301-2000. Makinig sa recording para sa mga tagubilin sa kung paano makipag-ugnayan sa duty officer ng Embahada.
Ang toll-free na numero ng telepono para sa opisina ng Overseas Citizen's Services (OCS) sa Department of State ay (888)407-4747. Sa labas ng U.S. o Canada maaring tumawag sa (317) 472-2328. Ang hotline ay magagamit mula 8:45 ng umaga hanggang 9:00 ng gabi. (EST) Lunes hanggang Biyernes. Sa lahat ng iba pang panahon, mangyaring tawagan ang Department of State sa 202-647-4000.
Ang Embahada ay kinakailangan ipagbigay-alam ang kamatayan ng mga
Amerikanong sibilyan sa kanilang pinakamalapit na legal na kamag-anak at sa Department of State. Samakatuwid, kailangan naming malaman ang pangalan ng namatay na tao, petsa at lugar ng kapanganakan, numero ng pasaporte, petsa at lugar ng kamatayan, sanhi ng kamatayan, at lokasyon ng labi. Kailangan din namin ang buong pangalan at tirahan ng pinakamalapit na legal na kamag-anak upang matukoy namin ang kanilang mga tagubilin tungkol sa pagsasaayos ng mga labi ng namatay.
Kapag ang Philippine death certificate ay nailabas na ng mga awtoridad ng Pilipinas, ang Embahada ay gagawa ng “Consular Report of Death of An American Citizen Abroad.” Ang dokumentong ito ay makatutulong sa pinakamalapit na legal na kamag-anak para sa mga legal na bagay na maaaring lumitaw bilang resulta ng kamatayan.
Pakikipag-ugnayan sa mga Punerarya sa Pilipina
Kung nasa Pilipinas ang pinakamalapit na legal na kamag-anak o taong legal na kinatawan, dapat silang makipag-ugnayan sa angkop na punerarya para sa pag-aayos ng mga labi ng namatay (tingnan sa ibaba ang listahan ng mga punerarya sa Pilipinas).
Sa ilalim ng Batas Kalusugan ng Pilipinas, kailangan ang maagap na pag-aasikaso sa mga labi ng namatay. Ang mga labi ay inaayos alinsunod sa batas ng Pilipinas at ayon sa pasilidad at gamit na makikita sa bansang ito. Sa ilang mga kaso, ang serbisyo na mabibigay ng mga lokal na punerarya ay maaring kapos sa inaasahan at hindi maihahalintulad sa Estados Unidos. Kung ibabalik sa Estados Unidos ang mga labi, dapat makipag-ugnayan ang pamilya sa direktor ng punerarya sa Estados Unidos na siyang naatasan tumanggap at mag-ayos sa libing ng mga labi.
Kung ang mga labi ay ipapadala sa Estados Unidos, dapat muna itong embalsamuhin o sunugin. Ang Embahada ay maaaring makatulong sa pag-aayos ng mga ito, bagaman ang pamilya ang magbabayad sa lahat ng mga gastos. Mayroong ilang mga punerarya sa Pilipinas na may sapat na pasilidad at gamit na nakapagbigay na ng ganitong serbisyo.
Pagpapadala ng Pondo/Pera sa Embahada ng Estados Unidos
Ang gastos sa pag-aayos ng mga labi ng Amerikanong namatay ay mahal. Ang halaga ng gagastusin ay nagbabago alinsunod sa takbo ng ekonomiya at pagpapalit-palit ng halaga ng dolyar at piso.
Kung ang magbabayad ay mga kamag-anak o kaibigan sa Estados Unidos, ang Embahada ay handang tumulong at makipag-ugnayan sa lokal na punerarya. Ngunit makakakilos lamang ang Embahada kapag natanggap na ang pinadalang pondo galing sa Estados Unidos.
Ang pinakamabilis na pagpapadala ng pondo ay sa pamamagitan ng “telegraphic transfer” or “Western Union Money Order.”
Kung magpapadala ng pondo sa pamamagitan ng “money order,” dapat tumawag sa Western Union (1-800-325-6000 o -4176) at atasan silang magpadala ng isang “money order” sa nakatalagang halaga sa:
Office of Overseas Citizens Services
Department of State
Washington, D.C. 20520
Isama ang sumusunod na mga tagubilin sa pagpapadala ng pondo:
1. ang mga pondo ay dapat na maipasa sa American Embassy sa Manila,
2. ang buong pangalan ng namatay,
3. ang mga tagubilin ng kamag-anak hinggil sa pag-aayos ng mga labi, at
4. ang pangalan, address, at telepono ng punerarya sa Estados Unidos na siyang naatasang tumanggap at mag-ayos sa mga labi.
Bukod sa sisingilin ng Western Union sa paglipat ng pera, ang Department of State ay sisingil din ng $30.00 para sa pagpo-proseso ng “money order.”
Anumang hindi nagamit sa pondo ay ibabalik kapag natapos na ang lahat ng mga dapat bayaran.
Kung ang pondo ay manggagaling sa kamag-anak sa Estados Unidos, ang Embahada ay kikilos at makikipag-ugnayan lamang sa lokal na punerarya kapag nakatanggap na sila ng kumpirmasyon na ang pondo ay na-ideposito na sa Department of State.
Samakatuwid, kailangang ang pondo at tagubilin ay maipadala sa lalong madaling panahon.
Ang pinakamalapit na legal na kamag-anak ay maaaring makipag-ugnayan at ipadala ng direkta sa Embahada ang kanila
Tinatayang Gastusin ng mga Serbisyo Ukol sa Pagkamatay sa Manila Area
Ang gastos para sa paghahanda ng bangkay at libing sa Manila - $2,400
Ang gastos para sa pagsusunog ng bangkay at pagsasaboy ng abo sa Manila – himigit-kumulang sa $1,200
Paghahanda at Pagpapadala ng mga labi mula sa Manila hanggang Estados Unidos - $2,400
Pagsusunog ng bangkay at Pagpapadala ng abo mula sa Manila hanggang Estados Unidos -$1,500
Ang mga tinatayang gastos ay maaaring mag-iba depende sa mga tiyak na mga kalagayan at lokasyon ng mga namatay. Ang pabago-bagung halaga ng palitan ng dolyar at ng piso ay makakaapekto rin sa mga gastos.
Ang Embahada ay magpapamahagi ng Consular Mortuary Certificate at iba pang mga kailangang dokumento kung ang mga labi ay ipapadala sa Estados Unidos.
Upang matulungan ang Embahada sa paghahanda ng Mortuary Certificate, and pinakamalapit na legal na kamag-anak o ang legal na kinatawan ng punerarya ay dapat magsumite ng mga sumusunod:
1. dalawang sertipikadong kopya ng Philippine death certificate
2. Katibayan ng pagkamamamayan, tulad ng U.S. pasaporte o Certificate of Naturalization
3. Orihinal na transit permit mula sa City hall
4. Kumpirmadong Itineraryo ng paglipad
5. airway bill number
6. Impormasyon ng taong tatanggap
7. Embalmer's certificate (para sa labi)
8. Certificate of Cremation (para sa abo)
9. Pasaporte o iba pang mga balidong ID ng taong pipirma sa Mortuary Certificate (apidabit)
10. Exhumation of remains certificate/permit (para sa mga namatay sa Pilipinas mahigit limang taon na ang nakalipas)
11. Quarantine permit
12. Mortuary certificate from Philippine Embassy/Consulate (remains/ashes were from the US)
May bayad ng $60 para sa Mortuary Certificate para sa mga ipadadalang labi ng di-Amerikano.
Simula nitong ika 20 ng Pebrero 2012, ang mga punerarya ay makakakuha ng Consular Mortuary Certificate sa Window 5 ng American Citizens Services Branch, U.S. Embassy, Manila, Philippines sa mga oras na ito: 7:30-8:30 ng umaga kada Lunes at 1:00-2:00 ng hapon kada Martes hanggang Biyernes, maliban sa Philippine at American holidays.
Ang mga pamilya ng namatayan na walang kasamang punerarya ay makakakuha ng Consular Mortuary Certificate sa Window 5 ng American Citizens Services Branch, U.S. Embassy, Manila, Philippines sa mga oras na it: 7:30 – 11:00 ng umaga at 1:00-3:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes, maliban sa Philippine at American holidays.
Consular Report of Death of An American Citizen Abroad
Ang Embahada ang gumagawa ng “Consular Report of Death of an American Citizen Abroad” para sa bawat Amerikano na namatay sa Pilipinas at ang kamatayan ay ipinagbigay-alam sa Embahada. Ang sertipiko na ito ay batay sa Philippine death certificate at may bisa para gamitin sa Estados Unidos. Ito ay makakatulong sa pinakamalapit na legal na kamag-anak sa kanilang pakikitungo sa mga insurance companies, Social Security Administration, Department of Veterans Affairs, o sa anumang mga sitwasyon na kung saan sila ay nangangailangan ng patunay ng kamatayan.
Makukumpleto ng Embahada ang Report matapos maisumite ang mga sumusunod:
1. ang orihinal na U.S. pasaporte ng namatay at/o Certificate of Naturalization (kung naaangkop)
2. orihinal o sertipikadong Philippine death certificate
3. Kumpletong Embassy-issued death questionnaire
4. kopya ng pasaporte o iba pang mga patunay ng pagkatao (ID) ng pinakamalapit na legal na kamag-anak,at
5. orihinal o sertipikadong kopya ng mga dokumento nagpapatunay sa relasyon ng pinakamalapit na legal na kamag-anak at ng namatay.