Skip Global Navigation to Main Content
  •  
Skip Breadcrumb Navigation
Aplikasyon Para sa Pasaporte at mga Pamamaraan
 

Maligayang pagdating sa website the Passport at Citizenship Unit ng U.S. Embassy Manila.  Upang kayo ay aming mas masilbihan ng maayos, karamihan sa mga serbisyong may kinalaman sa pasaporte ay ginagawa sa pamamagitan ng "online appointment system".   Pwera na lang sa mga matatanda o "adults" na nangangailangan lamang ng renewal ng kanilang pasaporte o sa mga nangangailangan lamang ng karagdagang pahina o "visa pages" sa pasaporte, ang mga ito ay maaaring ipadala lamang sa pamamagitan ng koreo o sa ordinaryong "mail" at hindi na kailangan ng appointment.  Bago kayo kumuha o mag "book" ng appointment online mula sa website, paki basa lamang ng maigi ang mga instruksyon para sa uri ng serbisyong pasaporte na inyong kinakailangan.  Tignang maigi kung ang inyong serbisyong hinihingi ay nangangailangan mag "book" ng appointment o hindi.  Asahang matanggap ang bagong pasaporte sa loob ng humigit kumulang na 2-3 linggo mula sa pagka-abruba ng inyong aplikasyon.   

Kung kayo ay nag-aapply dito Manila, HUWAG SUNDIN and mga instruksyon na makikita sa mga application forms sapagkat ang mga ito ay ipinatutupad lamang o tumutukoy sa mga aplikasyong isinumite kapag nasa Estados Unidos.  Bagamat ang mga application forms ay pareho maski ikaw ay nasa Estados Unidos o hindi, ang processo ng pagsumite ng form ay naiiba kapag ikaw ay nasa labas ng Estados Unidos.

Tanging aplikasyon para sa "emergency passport” ang maaring tanggapin nang walang appointment. Paalala lang na ang mga alituntuning sinusundan sa pag-apruba ng “emergency passport” ay mahigpit at consular officer ang susuri kung ang inyong sitwasyon ay naayon sa pamantayan ng emergency. Kung ang inyong sitwasyon ay hindi emergency, kayo ay kinakailangang kumuha ng “online appointment”, at pumunta sa embahada sa araw ng inyong appointment. Bago pumunta sa embahada, maari lang na basahin lahat ng mga instruksyon para sa partikular na serbisyo ng pasaporte na inyong kinakailangan. Naka-lista ang mga pagpipiliang serbisyo sa ilalim at sa “menu” sa kaliwa.

Kung ikaw ay isang U.S. citizen at ito ang iyong unang aplikasyon para sa pasaporte, i-click ito.

Mahalagang Paalala:

Ang U.S. Embassy-contracted courier o koreo ng American Citizen Services (Citizenship and Passport Unit) ay ang Air21.  Para sa mga aplikasyon para sa pasaporte na hindi nangangailangan ng appointment, maaring ipadala ang inyong mga aplikasyon (kasama ang mga dokumento) "by mail" o maaaring i-itawag sa Air21 Courier sa telepono (02) 879-4747, mula 7:30 a.m. at 4:30 p.m., Lunes hangang Biyernes, maliban sa mga araw ng pista opisyal. Pakibasa ang lahat ng instruksyon para sa uri ng serbisyong pasaporte na iyong kailangan at tignang maigi kung kayo ay kinakailangang kumuha ng "online appointment" para sa serbisyong ito o hindi