Skip Global Navigation to Main Content
  •  
Skip Breadcrumb Navigation
Pagkawala ng U.S. Nationality

Pagkawala ng U.S. Nationality

Kung may mga katanungan tungkol sa pagkawala ng U.S. citizenship status, basahin ang impormasyon sa ibaba, at maaring mag-send ng e-mail sa: ACSInfoManila@state.gov

Mga Gawaing Maaring Maging Sanhi ng Pagkawala ng U.S. Citizenship:

Ang binagong Seksyon 349 ng Immigration and Nationality Act, ay nagsasaad na ang isang U.S. citizen ay maaring mawalan ng U.S. citizenship status kung siya, sa kanyang kusang loob at intensyon na tanggalin ang kanyang pagiging U.S. citizen, ay gagawa ng alin mang bagay na nakalista sa ibaba. Kabilang dito ay ang:

1.    pagkuha ng naturalization sa isang dayuhang bansa;

2.    panunumpa, pagsabi o iba pang pormal na deklarasyon sa isang dayuhang estado o ang kanyang pampulitikang subdivision (Sec. 349 (a) (2) INA);

3.    pagpasok o paglilingkod sa sandatahang lakas ng isang dayuhang estado na lumalahok sa isang paglaban sa Estados Unidos  o naglilingkod bilang isang commissioned o non-commissioned na opisyal sa sandatahang lakas ng isang dayuhang estado (Sec. 349 (a) (3) INA);

4.    pagtanggap ng trabaho sa isang dayuhang gobyerno kung (a) ang isa ay may nasyonalidad ng nasabing dayuhang estado o (b) kung ang panunumpa  o deklarasyon ng katapatan ay kinakailangan sa pagtanggap ng posisyon (Sec. 349 (a) (4) INA);

5.    pormal na pagtakwil o pagbitiw sa US citizenship sa harap ng isang opisyal ng US diplomatiko o konsulado sa labas ng Estados Unidos (sec. 349 (a) (5) INA);

6.    pormal na pagtakwil o pagbitiw sa US citizenship sa loob ng Estados Unidos (subalit sa ilalim lamang ng isang mahigpit, makitid-batas na kondisyon) (Sec. 349 (a) (6) INA);

7.    Nahatulan sa salang pagtataksil sa bayan (Sec. 349 (a) (7) INA).

Administratibong Pamantayan ng Ebidensiya

Bilang nasasaad, ang mga aksyon na nakalista sa itaas ay maaaring maging sanhi lamang ng pagkawala ng US citizenship kung ito ay kusang-loob na ginawa at sa layuning bitawan ang pagiging US citizen. Ang Department of State ay may isang unipormeng administratibong pamantayan ng katibayan batay sa saligan na ang isang U.S. citizen ay nagbabalak na panatilihin ang kanyang pagiging U.S. citizen kung siya man ay makakuha ng naturalization sa isang dayuhang estado, mag-subscribe sa isang deklarasyon ng katapatan sa isang dayuhang estado, maglingkod sa sandatahang lakas ng isang dayuhang estado na hindi laban sa Estados Unidos, o tumanggap ng non-policy level na antas ng trabaho sa ibang bansa.

Base sa administratibong pamantayan na tinalakay sa itaas, ang isang tao na:

1.    naturalized sa isang dayuhang bansa;

2.    nanumpa ng katapatan sa isang dayuhang estado;

3.    naglilingkod sa sandatahang lakas ng isang dayuhang estado na hindi laban sa Estados Unidos;  o

4.    tumanggap ng non-policy level na antas ng trabaho sa ibang bansa,

at sa paggawa  nito ay nais pa ring panatilihin ang kanyang US citizenship status, ay hindi na kinakailangang mag sumite, bago isagawa ang potentially expatriating act, ng statement o ebidensiya ng kanyang intensyon na panatilihin ang kanyang pagiging U.S. citizen, dahil ang kanyang intensyon ay iprepresume na lamang.

Kung saka sakali, bilang resulta ng pagtatanong ng isang indibidwal o pag-aaply ng registration or pasaporte ay napansin ng isang opisyal ng US konsulado na ang  isang mamamayan ng Estados Unidos ay gumawa ng bagay na maaring makatanggal ng kanyang paging U.S. citizen sa ilalim ng Sections 349(a)(1), 349(a)(2), 349(a)(3) or 349(a)(4), na inilarawan sa itaas, ang consular officer ay magtatanong lamang sa aplikante kung siya ay may intensyong bitawan ang kanyang pagiging U.S. citizen nang gawin niya ang naturang bagay.   Kung ang kanyang sagot ay hindi or wala, ang consular officer ay magpapatibay na hindi intensyon ng isang indibidwal na tanggalin ang kanyang pagiging U.S. citizen, at sa makatuwid, ay napanatili ng taong iyon ang kanyang U.S. citizenship.

Mga Taong Nais Bitawan ang Pagiging U.S. Citizen

Kung ang sagot sa mga tanong tungkol sa intensyong bitawan ang pagiging U.S. citizen ay "oo", ang taong concerned ay pagkukumpletuhin ng isang questionnaire upang masiguro ang kanyang intensyon patungkol sa kanyang U.S. citizenship.  Kapag ang questionnaire ay nakumpleto na at ang boluntaryong pagbitiw sa U.S. citizenship ay nilagaan ng U.S. citizen, ang consular officer ay magpapatuloy sa paghahanda ng isang sertipiko ng pagkawala ng U.S. citizenship.  Ang sertipiko ay ipapadala sa Department of State sa U.S. para sa konsiderasyon, at kung naaangkop, ay para aprubahan. 

Ang isang idibidwal na gumawa ng anumang potentially expatriating acts ayon sa estado at naglalayong bitawan ang kanyang U.S. citizenship, ay maaaring gawin ito sa pamamagitan ng isang written affirmation sa isang consular officer, na ginawa niya ang bagay na iyon na may intensyong tanggalin ang kanyang U.S. citizenship.  Subalit, ang isang indibidwal ay may option na irenounce o talikdan ang kanyang U.S. citizenship sa pamamagitan ng pormal na pamamaraan, alinsunod sa isinasaad ng batas sa ilalim ng Section 349 (a)(5) ng Immigration and Nationality Act.

Disposisyon ng Kaso Kapag ang Administratibong Pamantayan ay Hindi Iniaply

Ang saligan na ang isang indibidwal ay nais na panatilihin ang kanyang U.S. citizenship ay hindi applicable kapag siya ay:

1.    pormal na nagrenounce o nagtakwil ng kanyang U.S. citizenship sa harap ng isang consular officer;

2.    naglilingkod sa sandatahang lakas ng isang dayuhang estado na kasali sa isang paglaban sa Estados Unidos;

3.    Tumanggap ng isang policy level na antas ng trabaho sa dayuhang estado;

4.    nahatulan ng pagtataksil sa bayan; o

5.    gumaganap ng isang gawaing potentially expatriating ayon sa batas, at sinamahan pa ng mga kilos o pag-uugali na hindi naaayon sa pagpapanatili ng U.S. citizenship, na nagpapahiwatig ng konklusyon na ang indibidwal ay tunay na may layong tanggalin ang kanyang U.S. citizenship.  (Ang ganitong mga kaso ay napakabihira lamang.)

Ang mga kaso sa kategorya 2, 3, 4 at 5 ay kailangan pang idevelop ng may pag-iingat, ng isang consular officer, upang masiguro and intensyon ng isang indibidwal patungkol sa U.S. citizenship.

 

Aplikasyon ng Administratibong Saligan sa mga Nakaraang mga Kaso

Ang saligan na itinatag ng administratibong pamantayan ng ebidensiya ay naaangkop sa mga kasong dati nang naadjudicate.  Ang mga indibidwal na dati nang nawalan ng U.S. citizenship ay maaring  humiling na mairekonsider ang kanilang kaso, sa ilalim ng polisiyang ito.

Ang indibidwal ay maaring simulan ang hiling na ito na pagrerekonsidera sa pamamagitan ng pagsusumite ng isang sulat kahilingan sa ACSInfoManila@state.gov.

Ang bawat kaso ay susuriin ayon sa kani kaniyang sariling mga katangian, habang isinasa alang alang, halimbawa, ang mga pahayag na ginawa ng indibidwal sa panahon na ginawa niya ang expatriating act na iyon.