Skip Global Navigation to Main Content
  •  
Skip Breadcrumb Navigation
Dalawahang Nasyonalidad

Dalawahang Nasyonalid

Patakaran ng Estados Unidos Tungkol sa Dalawahang Nasyonalidad

Ang Department of State ay responsable sa pagpapasiya ng citizenship status ng isang tao na nasa labas ng Estados Unidos o may kaugnayan sa aplikasyon para sa U.S. passport habang nasa Estados Unidos. Ang sumusunod na impormasyon ay nagpapaliwanag tungkol sa Dual Nationality at US citizenship, kabilang na ang mga pangyayari kung saan ang US citizenship ay maaaring mawala.

Ano Ang Ibig Sabihin ng Dalawahang Nasyonalidad?

Ang dual nationality ay ang pagkakaroon ng magkasabay na citizenship o nasyonalidad ng dalawang bansa.  Kapag ang isang tao ay na- naturalized sa ibang bansa (o kaya ay nagtataglay ng nasyonalidad ng isa pang bansa) at napatunayang hindi naman niya nawala ang kanyang US citizenship status, ang indibidwal na ito ay nagtataglay ng dual nationality.  Gayunpaman, mainam pa ring sumangguni sa mga awtoridad ng bansa ng pangalawang nasyonalidad upang matiyak kung pinapayagan o pinapahintulutan ang dual nationality sa ilalim ng local na batas ng bansang iyon.

Ang Estados Unidos ay hindi pabor sa dual nationality bilang isang patakaran, ngunit kinikilala nito ang pag-iral nito sa mga indibidwal na kaso.  Isinasaad ng Korte Suprema ng Estados Unidos na ang dual nationality ay “isang status na matagal nang kinikilala ng batas” at “ang isang tao ay mayroon at maaaring mag-exercise ng kanyang mga karapatan sa dalawang bansa at maging sakop sa mga responsibilidad sa dalawang bansa.  Ang katotohanang ang isang tao na nagpipilit ng kanyang mga karapatan sa isang nasyonalidad ay hindi nangangahulugang itinatakwil niya ang isa pang nasyonalidad.  (v. Kawakita US, 343 US 717, 1952).  (Ang Embahada ay hindi nagtatago ng mga kaso mula sa Supreme Court;  sinumang interesado ay maaring kumonsulta sa silid paaralan ng local na paaralang pang-abogasya).  Ang mga konseptong ito ay applicable din sa mga taong may nasyonalidad na higit pa sa dalawa.

Paano Natatamo ang Dual Nationality o Dalawahang Nasyonalidad?

Ang dalawahang nasyonalidad ay resulta ng katotohang walang magkakaparehong pamantayan ang pandaigdigang batas o “international law” na may kinalaman sa pagkakaroon o pagtatamo ng nasyonalidad.  Ang bawat bansa ay may sariling mga batas tungkol dito at ang pagsalin ng nasyonalidad sa mga idibidwal ay ibinabatay sa local na patakaran ng isang bansa.  Ang mga tao ay maaaring magkaroon ng dual nationality hindi dahil sa pagpili nila nito ngunit dahil sa “automatic operation” ng mga batas ng iba’t ibang bansa tungkol sa  nasyonalidad na kadalalsan ay hindi magkakapareho at minsan ay hindi magkakatugma. 

Ang mga batas ng Estados Unidos, gaya ng ibang mga bansa, ay nakadadagdag sa mga ganitong sitwasyon dahil pinahihintulan nito ang pagkakaroon ng U.S. citizenship sa pamamagitan ng pagkapanganak sa Estados Unidos o maari din naman dahil sa pagkapanganak sa ibang bansa mula sa mga magulang na Amerikano, kahit ano pa man ang maaari niyang makuhang nasyonalid sa bansang kanyang sinilangan.   Halimbawa, ang isang bata na ipinanganak sa ibang bansa na may  magulang na Amerikano ay maaari ring magtamo hindi lang ng U.S. citizenship kundi pati na rin ang nasyonalidad ng bansa’s kanyang sinilangan.   Tulad din ito ng isang bata na ipinanganak sa Estados Unidos sa mga banyagang magulang na maaaring matamo mula sa pagkakapanganak ang nasyonalidad ng Amerika at ng banyagang magulang.  Ang mga batas ng ibang mga bansa ay  nagpapahintulot ng pagkakaroon ng nasyonalidad sa pamamagitan ng “automatic acquisition” makaraan ang pagkapanganak – halimbawa, sa pamamagitan ng kasal.  Bukod dito, ang ibang mga bansa naman ay hindi kinikilala ang “naturalization” sa isang banyagang estado bilang batayan para mawala ang nasyonalidad na mayroon ang taong ito. Ang isang tao mula sa ibang bansa na na-naturalized sa Estados Unidos ay napapanatili ang kanyang orihinal na nasyonalidad kahit pa ang isa sa kinakailangan para sa U.S. naturalization ay ang pagsuko o pagtakwil sa iba pang nasyonalidad ng isang idibidwal.

Kasalukuyang Batas at mga Patakaran

Ang kasalukuyang mga batas pang nasyonalidad ng Estados Unidos ay hindi tumutukoy ng partikular sa dual nationality.  Ang automatic na pagkakaroon at pagpapanatili ng isang banyagang nasyonalidad ay hindi nakakaapekto sa U.S. nationality; subalit, sa ibang pagkakataon, ang pagkuha ng nasyonalidad sa ibang bansa sa pamamagitan ng pag-apply o sa pamamagitan ng isang authorized na ahente ay maaaring mag-resulta sa pagkawala ng U.S. citizenship sa ilalim ng Section 349(a)(1) ng Immigration and Nationality Act  [8 USC 1481 (a)(1)].

Upang ang U.S. citizenship ay mawala sa ilalam ng Section 349 (a) (1), dapat mapatunayan na ang naturalization ng indibidwal ay natamo ng boluntaryo habang siya ay labing-walong taong gulang o pataas, at may intensyon o layunin na itakwil ang kanyang U.S. citizenship.  Ang intensyong iyon ay maaaring maipakita sa pamamagitan ng mga payahag na isinulat ng indibidwal o mga asal/pag-uugali.   (Vance v. Terrazas, 444 US 252, 1980), subalit gaya ng nabanggit sa ibaba, karamihan sa mga kaso, pinaniniwalaang ang Amerikano na naturalized sa ibang bansa ay may intensyong panatilihin ang kanyang pagiging U.S. citizen.  Kung gayon, siya ay mayroong dalawang nasyonalidad.

Ang batas ng Estados Unidos batas ay hindi naglalaman ng anumang mga probisyon na nag –uutos upang ang mga U.S. citizens na ipinanganak na may dalawang nasyonalidad ay kinakailangang mamili ng isa lamang na nasyonalidad kapag sila ay nasa sapat na gulang na (Mandoli v. Acheson, 344 US 133, 1952).  Bagamat kinikilala ang pagkakaroon ng dual nationality at pinapahintulutan ang mga Amerikano na magkaroon ng iba pang nasyonalidad, hindi ini-endorso ng gobyerno ng U.S. and dual nationality bilang patakaran dahil sa mga problema na maaaring maging sanhi nito. Ang mga salaysay ng ibang bansa ukol sa mga U.S. citizens na dual-national ay madalas inilalagay sila sa mga sitwasyon kung saan ang kanilang mga obligasyon sa isang bansa ay kontra o taliwas sa mga batas ng isang bansa.  Bukod dito, ang kanilang pagigiging dual national ay maaaring maging hadlang upang mabigyan sila ng “diplomatiko” at “consular” na proteksyon kapag sila ay nasa ibang bansa o nasa labas ng Estados Unidos. 

Allegiance o Katapatan Sa Anong Bansa?

Sa pangkalahatan, itinuturing na habang ang mga dual nationals ay nasa bansa kung saan sila ay citizen nito, ang bansang iyon ang namamayani sa kanilang katapatan o “allegiance”.   Tulad ng mga Amerikano na ang nasyonalidad lamang ay U.S. citizenship, ang mga Amerikano na may dual citizenship ay may pananagutang katapatan o “allegiance” sa Estados Unidos at obligado silang  sundin ang mga batas at regulasyon nito.   Ang ganitong mga Amerikanong ito ay karaniwang may  mga obligasyon din sa bansa ng isa pa nilang nasyonalidad.  Bagamat ang hindi pagtupad sa mga obligasyong youn ay walang masamang epekto sa mga dual citizens habang sila ay nasa loob ng  Estados Unidos dahil ang ibang bansa ay walang sapat na kakayahan upang pilitin ang mga ito na sumunod sa mga ganitong pangyayari, ang mga dual citizens ay maaaring sapilitang pasunurin o pagbayarin ng kaukulang multa kapag pumunta sila sa bansa kung saan sila ay citizen.  Sa mga pagkakataong and dual citizens ay makaranas ng kagipitan sa isang foreign country kung saan sila ay citizen nito,  ang U.S. Consular Officers ay may limitado lamang na kakayahan upang sila ay matulungan dahil ang ibang mga bansa ay maaring hindi kumikilala sa U.S. citizenship ng isang dual national.  

Anong Pasaporte Ang Dapat Gamitin?

Ipinag-uutos sa ilalim ng  Section 215 ng Immigration and Nationality Act ( 8 U.S.C. 1185) na lahat ng U.S. citizens ay dapat gamitin ang kanilang U.S. passports kapag pumapasok o umaalis ng Estados Unidos maliban kung ito ay kasali sa mga exceptions na nakalista sa Section 53.2 ng  Title 22 ng Code of Federal Regulations.  ( Halimbawa, isa sa mga exceptions ay nagpapahintulot sa isang bata na may edad na mababa sa 12, at kasama sa foreign passport ng kanyang magulang na wala naming claim sa U.S. citizenship, na makapasok sa Estados Unidos  na walang U.S. passport, subalit kinakailangang makita ang katibayan na U.S. citizen ang bata kapag ito’y pumasok as Estados Unidos.)  Ang mga dual nationals ay maaaring i-require ng isang bansa kung saan sila citizen na pumasok at umalis sa kanilang bansa gamit ang pasaporte ng bansang iyon, subalit hindi nito inilalagay sa panganib ang kanilang U.S. citizenship dahil lamang sa pagsunod dito. 

Paano Aalisin ang Pagka- Dual National?

Karamihan sa mga bansa ay may mga batas na tumutukoy kung paanong ang isang citizen ay  mawawalan o mag lihis ng citizenship.  Sa pangkalahatan, ang mga taong hindi nais na mapanatili ang kanilang dual citizenship ay maaaring talikdan ang citizenship na hindi nila gusto.  Ang mga impormasyon ukol sa pag-talikod o pag-takwil sa nasyonalid ay maaaring makuha mula sa mga Embahada o Konsulado ng ibang mga bansa o mula sa mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan ng mga bansang ito.  Ang mga Amerikano ay maaaring talikuran ang kanilang US citizenship sa ibang bansa (sa labas ng Estados Unidos) alinsunod sa Section 349 (a) (5) ng Immigration and Nationality Act  [8 U.S.C. 1481 (a) (5)]. Ang mga impormasyon sa pagtalikod o pag-takwil sa U.S. citizenship ay maaaring makuha mula sa Embahada at Konsulado  ng Estados Unidos o sa  Office of Consular Services, Department of State, Washington, DC 20520.

Bukod dito, ang isang Amerikano na na-naturalized sa ibang bansa ng kusang-loob na may layunin na talikuran ang kanyang katapatan sa Estados Unidos ay maaaring magpahiwatig ng intensyon niyang ito at sa gayon ay mawalan ng U.S. citizenship.  Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa dual nationality, tingnan ang Marjorie M. Whiteman 's Digest of International Law (Department of State Publication 8290, inilathala noong Setyembre 1967), Volume 8, pahina 64-84.