Skip Global Navigation to Main Content
  •  
Skip Breadcrumb Navigation
Pagwasto o Pagbago ng Impormasyon sa Pasaporte (Pagbago ng Pangalan o Typo Error o Pagpapalit ng Limitadong Pasaporte)

Pagwasto o Pagbago ng Impormasyon sa Pasaporte (Pagbago ng Pangalan o Typo Error o Pagpapalit ng Limitadong Pasaporte)

Sundin ang mga tagubilin sa ibaba kung ang iyong pasaporte ay inisyu sa loob ng nakalipas na isang taon at kailangan mong baguhin ang impormasyon sa iyong pasaporte (dahil sa kasal o utos ng hukuman o kaya ay "typo error)

O KAYA

kailangan mong palitan ang iyong limitadong pasaporte habang ito ay may bisa pa o hindi pa "expired".

*Kung ang iyong limitadong pasaporte ay may "special endorsement" sa likod, maaaring kailanganin pa ang pahintulot mula sa Department of State bago kay mabigyan ng panibagong pasaporte.  Kung ganito ang kaso mo, sundin ang instruksyon sa sulat na binigay sa iyo noong ma-issue ang iyong limitadong pasaporte.

Hakbang 1:

Sagutin at i-print ang DS-5504 Application for a U.S. Passport.  Kung nakaranas ka ng problema sa Passport Application Wizard, i-click dito para sa Form DS-5504 (PDF - Adobe Acrobat).  Upang mabuksan ang PDF files, kailangan mo ng PDF reader gaya ng Adobe Acrobat. I-download ito ng libre mula sa Adobe website.

Hakbang 2:

Ipadala ang iyong mga dokumento sa embahada sa sumusod na adres: Citizenship and Passport Unit, American Citizens Services, Consular Section, U.S. Embassy, 1201 Roxas Boulevard, 1000 Manila.  Tandaan: Hindi kailangang kumuha ng appointment para sa serbisyong ito.  Maari ding tumawag sa (02) 879-47-47 para ma-pick-up ng Air21 courier ang mga dokumento at maipadala ang mga ito sa Embassy. Mangyaring isama ang mga sumusunod:

  • DS-5504 application form (kinumpleto at pirmado na)
  • Ang iyong kasalukuyang pasaporte
  • Dalawang pirasong litrato (i-click ito para sa instruksyon para sa litrato)
  • Ang orihinal na marriage certificate* (galing sa NSO kung kasal sa Pilipinas) o orihinal na utos ng hukuman (court order)* na nagsasaad ng pagbago ng pangalan o impormasyon
  • Walang bayad para sa serbisyong ito

*Magsama ng isang kopya o photocopy kasama ng orihinal.  Kung hindi, kayo ay pagbabayarin para sa pagkopya ng $1.00 bawat pahina sa Embassy.

Hakbang 3:

Kapag nabayaran na at na-aprubahan na ang aplikasyon, ang pasaporte ay ipoproseso at matatanggap sa loob ng 2-3 linggo.  Ang lumang pasaporte (na kanselado ng embahada) ay matatanggap kasama ng bagong pasaporte.

-----------------

Kung ang iyong pasaporte ay inisyu ng higit sa isang taon na at kailangan mong palitan ang impormasyon sa iyong pasaporte (dahil sa kasal o utos ng hukuman)

O KAYA

kung kailangan mong palitan ang iyong limitadong pasaporte na wala nang bisa o "expired"na, sundin ang mga sumusunod:

*Kung ang iyong limitadong pasaporte ay may "special endorsement" sa likod, maaaring kailanganin pa ang pahintulot mula sa Department of State bago kay mabigyan ng panibagong pasaporte.  Kung ganito ang kaso mo, sundin ang instruksyon sa suolat na binigay sa iyo noong ma-issue ang iyong limitadong pasaporte.

Para sa menor de edad na nasa ilalim ng edad 16, i-click ito para sa Listahan ng mga Pangangailangan (Checklist of Requirements) at sundin ang parehong instruskyon kapag magpapalit o magre-renew ng pasaporte para sa mga menor de edad sa pamamagitan ng pag-click dito.

Hakbang 1:

  • Sagutin at i-print ang DS-82 Application for a U.S. Passport.  Kung nakakaranas ka ng problema sa Passport Application Wizard, i-click dito para sa Form DS-82 (PDF-Acrobat)
  • I-check na nabasa ang Privacy and Computer Fraud and Abuse Acts Notices and Disclaims at i-click ang submit.
  • I-print ang DS-82 form sa sandaling makumpleto

Tandaan na ang ilang mga tagubilin ay naaangkop lamang sa Estados Unidos.

Hakbang 2:

Ipadala ang iyong mga dokumento sa embahada.  Maaari kang tumawag sa (02) 879-4747 para ma-pick-up ng Air21 courier ang mga dokumento at maidala ang mga ito sa Embassy.  Mangyaring isama ang mga sumusunod:

  • DS-82  application form (kinumpleto at pirmado na)
  • Ang iyong kasalukuyang pasaporte
  • Dalawang litrato (i-click ito para sa instruksyon para sa litrato)
  • Ang orihinal na marriage certificate* (galing sa NSO kung kasal sa Pilipinas) o orihinal na utos ng hukuman (court order)* na nagsasaad ng pagbago ng pangalan o impormasyon

*Magsama ng isang kopya o photocopy kasama ng orihinal.  Kung hindi, kayo ay pagbabayarin para sa pagkopya ng $1.00 bawat pahina sa Embassy.

Hakbang 3:

Kapag ang iyong mga dokumento ay natanggap, ikaw ay aabisuhan ng Embassy sa pamamagitan ng e-mail upang bigyan ka ng instruksyon kung kailan ka pupunta sa Embassy para magbayad ng application fee.  Maaari kang magpadala ng isang kinatawan upang magbayad para sa iyo.  Mangyaring dalhin ang mga sumusunod:

  • $110 cash (U.S. dollors o katumbas sa Philippine pesos) o credit card
  • Ang printout ng email na ipinadala sa iyo ng Embassy
  • Kung kinatawan lamang ang pupunta, dapat may "authorization letter mula sa may-ari ng pasaporte at ang ang kinatawan ay dapat may valid photo I.D.

Hakbang 4:

Kapag nabayaran na at na-aprubahan na ang aplikasyon, ang pasaporte ay ipoproseso at matatanggap sa loob ng 2-3 linggo.  Ang lumang pasaporte (na kanselado ng embahada) ay matatanggap kasama ng bagong pasaporte.

-----------------

Kung hindi ma-dokumento ng legal ang pagbago sa iyong pangalan (sa pamamagitan ng utos ng hukuman o kasal) at/o kung ikaw ay isang menor de edad na mababa sa labing 16 na taon at hindi ma-dokumento ng legal ang pagbabago sa iyong pangalan at ang iyong pasaporte ay inisyu ng higit sa 1 taon na ang nakaraan:

I-print ang Listahan ng mga Pangangailangan (Checklist of Requirements) at sundin ang mga sumusunod na hakbang:

Hakbang 1:

  • Sagutin at i-print ang DS-11 Application for a U.S. Passport.  Kung nakakaranas ka ng problema sa Passport Application Wizard, i-click dito para sa Form DS-11 (PDF-Adobe Acrobat).
  • I-check na nabasa ang Privacy and Computer Fraud Abuse Acts Notices and Disclaims at i-click ang submit
  • I-click ang "apply online"
  • I-print ang DS-11 form sa sandaling makumpleto

Tandaan na ang ilang mga tagubilin ay naaangkop lamang sa Estados Unidos.

Hakbang 2:

I-click ito upang mag-schedule ng appointment sa Embassy.  Gumamit ng e-mail address at i-print ang inyong appointment confirmation.

Hakbang 3:

Mangyaring dalhin ang mga sumusunod na dokumento sa iyong appointment:

  • Ang iyong kasalukuyang pasaporte
  • Tatlong (3) mga pampublikong mga dokumento o records* na nagpapakita ng iyong petsa at lugar ng kapanganakan na nagpapakita ng eksklusibong paggamit ng iyong alyas sa loob ng hindi bababa sa limang (5) taon
  • Ang DS-11 form
  • Dalawang litrato (i-click ito para sa instruksyon para sa litrato)
  • Ang printout ng appointment confirmation
  • $135 (dolyar or pesos) o credit card para sa mga aplikante na edad 16 taong gulang pataas.