Ang pagpapakasal sa Pilipinas ng mga U. S. Citizens
Ang Philippine Government ay may panukala na ang lahat ng mga dayuhan na nagnanais magpakasal sa Pilipinas ay kinakailangnang kumuha ng "Legal Capacity to Contract Marriage" mula sa kanyang embassy bago mag-apply ng Philippine marriage license. Nakalista sa ibaba ang pamamaraan para sa pagkuha ng ganitong dokumento sa US Embassy.
Ang pagkuha ng “Legal Capacity to Marry” sa U.S. Embassy Manila ay sa pamamagitan ng appointment lamang . Mangyaring basahin ang mga alituntunin at regulasyon sa ibaba bago gumawa ng iyong appointment.
Consular Agency, Cebu: Monday through Friday 9:00am – 11:00am
Paraan ng pagpa-appointment para sa “Legal Capacity to Marry":
Unang Hakbang:
Basahin ang impormasyon sa ibaba upang maintindihang mabuti ang mga alituntunin para sa "Affidavit in Lieu of a Certificate of Legal Capacity to Contract Marriage."
Pangalawang Hakbang:
I-click dito para kumuha ng appointment. Piliin ang “Request notarial and other services not listed above.” I-print ang confirmation ng iyong appointment.
Pangatlong Hakbang:
Dalhin ang confirmation printout, lahat ng divorce decrees o death certificates na nagpapatunay na ang Amerikano ay pwede nang muling magpakasal, at isang valid photo identification, tulad ng U.S. passport, sa araw ng appointment. Magdala rin ng pambayad na $50.00 cash (o peso equivalent) o kaya’y credit card.
________________________________________________
DISCLAIMER: Ang impormasyon na nakasaad dito na may kinalaman sa mga legal requirements ng Pilipinas ay para sa pangkalahatang impormasyon lamang. Ang mga katanungan upang maliwanagan ang isang partikular na batas ng Pilipinas ay kinakailangang ikonsulta sa isang abogado. Ang mga American diplomatic and consular officers ay walang legal na awtoridad para magsagawa ng kasal.
Certificate of Legal Capacity to Contract Marriage
Ang Philippine Government ay may panukala na ang lahat ng mga dayuhan na nagnanais magpakasal sa Pilipinas ay kinakailangang kumuha ng "Certificate of Legal Capacity to Contract Marriage" mula sa kanyang embassy bago mag-apply ng Philippine marriage license. Ang dokumentong ito ang magpapatunay na ang dayuhan ay walang anumang balakid sa kanyang pagpapakasal sa isang Filipino/Filipina (na ang dayuhan ay single at walang asawa.) Sa kasamaang palad, ang U.S. government ay walang kakayanang alamim ang civil status ng isang tao dahil, di tulad ng Pilipinas, ito’y walang isang central statistical office para sa pagtatala ng kapanganakan, kasal at kamatayan Gayunpaman, ang Philippine government ay pumayag na tumanggap ng isang “Affidavit in Lieu of a Certificate of Legal Capacity to Contract Marriage.” Ang affidavit na ito ay maaaring kunin ng American citizen sa U.S. Embassy sa Manila o sa U.S. Consular Agency sa Cebu. Kailangan na personal na pumunta ang American citizen para makuha ang affidavit, hindi na kailangan pang isama ang kanyang kasintahan. Hindi tatanggapin ng Philippine officials ang isang dokumentong kinuha sa United States.
Ang pag-aapply ng "Affidavit in Lieu of a Certificate of Legal Capacity to Contract Marriage" sa American Citizen Services Branch ng U.S. Embassy ay sa pamamagitan ng appointment lamang. May bayad na $50.00 ( o sa katapat na halaga sa pesos) Maaari ring magbayad gamit ang inyong credit card.
Ang affidavit ay notarized ng isang U.S. consular officer. Maaaring tangihan o hindi ito ipagkaloob ng consular officer kung gagamitin ito sa layunin na labag sa batas, o di kaya’y salungat sa interes ng United States. Ang pagpapakasal sa isang dayuhan na ang tanging layunin ay upang makapasok lamang ito sa United States ay labag sa batas. Mayroong parusa na ipinapataw ang Section 4221 ng Title 22, United States Code sa sinumang tao na mahuhuli na nagsinungaling sa kanyang sinumpaang affidavit.
Additional Requirement for U.S. Military Personnel
Ang U.S. military personnel ay kailangang makipag-ugnayan sa kanilang personnel office tungkol sa joint service regulations ng Department of Defense.
The Marriage Application Process
Kapag ang isang American citizen ay nakakuha na ng “Affidavit in Lieu of a Certificate of Legal Capacity to Marry”, siya ay maaaring nang mag-file ng application para sa marriage license sa opisina ng Philippine Civil Registrar kung saan isa sa mga ikakasal ay residente. Ang marriage license ay kailangan para sa kasal sa Pilipinas, maging ito man ay isang civil o church wedding. Ang U.S. citizen ay kailangang magdala ng mga sumusunod:
• Ang “Affidavit in Lieu of a Certificate of Legal Capacity to Marry”;
• Ang mga divorce decree o death certificate na magpapatunay na ang American citizen ay single at maaaring magpakasal sa Pilipinas;
• U.S. passport;
• Dokumento na galing sa magulang na nagbibigay ng pahintulot o payo, kung naaangkop.
Maaaring pamunuan ng isang hukom, ministro o sinumang tao na may awtoridad mula sa Philippine government ang pagsasagawa ng kasal. Ang mga ikakasal na magmula sa edad 18 anyos hanggang 21 anyos ay kailangang kumuha sa kanilang magulang ng “written parental consent” o pahintulot. Sa mga ikakasal naman na magmula sa edad 22 anyos hanggang 24 anyos, kailangan lamang ng “parental advice” o payo.
Mangyaring tandaan na mahigpit na ipinagbabawal sa batas ng Pilipinas ang pagpapakasal ng isang tao na wala pa sa edad na 18 anyos.
Ang batas ng Pilipinas ay nag-aatas ng sampung araw na paghihintay mula sa araw ng application bago lumabas ang marriage license. Ang marriage license ay may bisa hangang 120 days at maaaring gamitin saan man sa Pilipinas.
Ang pagpapakasal sa isang U.S. citizen ay hind nangangahulugan na ang kanyang asawa ay magiging rin U.S. citizen o makakapasok kaagad sa United States. Kung ang U.S. citizen ay hindi nakatira sa Pilipinas, ang “Petition for Immigrant Visa (I-130)” ay dapat i-file sa opisina ng U.S. Citizenship and Immigration Services ng Department of Homeland Security sa United States. Tanging mga U.S. citizen lamang na nakatira sa Pilipinas ang maaaring magfile ng I-130 petition sa DHS ng U.S. Embassy.
Anumang katanungan tungkol sa “immigrant visa petition” upang maisama ang asawa sa United States ay maaaring isangguni sa pinakamalapit na opisina ng Bureau of Citizenship and Immigration Services, the State Department's Visa Office (202) 663-1225 o, sa U.S. Embassy Manila habang nasa Pilipinas.
Church Wedding Requirements
Note: Maaaring maganap ang isang Catholic wedding kahit walang civil ceremony at ang kasal ay maituturing na may bisa sa Pilipinas. Ang kasal naman sa ibang relihiyon ay maaaring mangailangan ng iba pang mga dokumento o seminar na hindi nabanggit sa ibaba. Para makasiguro, maaaring ipagtanong na lamang ang iba pang kailangan sa simbahang inyong pagkakasalan. Ang paraan na nabanggit sa ibaba ay isang pangkalahatang pamamaraan para sa isang Catholic wedding sa Pilipinas. Gayunpaman, laging isipin na ang bawat simbahan ay may kani-kaniyang mga patakaran at pamamaraan.
1. Baptismal and Confirmation Certificates – Kinakailangan para sa magnobyo. Ang mga dokumentong ito ay dapat nakuha ng hindi hihigit sa tatlong buwan bago ang petsa ng kasal at may annotation na: “FOR MARRIAGE PURPOSES ONLY”.
Para sa mixed marriages (magkaibang relihiyon) – Kinakailangan humingi ng “dispensation” o pahintulot mula sa Parish Office. Ito ay makukuha pagkatapos ng interview ng parish priest o ng kanyang assistant. Dapat itong maibigay isang linggo bago ang petsa ng kasal.
2. Marriage License – Sa mga taong naikasal na sa isang civil ceremony, kailangang magbigay ng rehistradong certified true copy ng Marriage Contract isang linggo bago ang petsa ng kasal.
3. Canonical Interview – Ang parish priest o ang kanyang assistant ay kapapanayamin ang magnobyo isang buwan bago ang petsa ng kasal. Ang araw ng interview ay itatakda matapos mapirmahan ang application form.
4. Pre-Marriage Seminar- Ang seminar na ito ay itatakda sa panahon ng canonical interview, o maaaring magtanong sa tanggapan ng parokya para sa iskedyul. May ibang simbahan na pumapayag na dumalo ang magnobyo sa iba pang pre-wedding seminars gaya ng Discovery Weekend o Catholic Engaged Encounter.
5. Pahintulot – Ang nobya ay kinakailangang humingi ng pahintulot sa kanyang parokya kung ang kanyang kasal ay gaganapin sa ibang parokya.
6. Wedding Banns – Ang iskedyul ng kasal ay kailangang ipaskil ng magnobyo sa kani-kaniyang parokya. Ito ay ipinagkakaloob sa panahon ng canonical interview at kinakailangan dalhin kaagad ng magnobyo sa kani-kaniyang parokya para maipaskil. Ito ay kailangang ibalik sa opisina pagkatapos ng tatlong Linggo. (Maaaring humingi ang bawat parokya ng iba pang requirements para sa pagpapaskil ng banns, tulad halimbawa ng litrato ng magnobyo, atbp.)
7. Listahan ng mga pangalan at tirahan ng mga pangunahing isponsor (Mga ninong at ninang) – Ang listahan ay kailangang ibigay sa opisina ng parokya isang linggo bago ang petsa ng kasal. Ang simbahan ay may patakaran na kinakailangang mayroon kahit na isang pares ng isponsor, o di kaya’y hanggang anim na pares lamang, kung maaari.
8. Para sa mga Balo – Ang kopya ng death certificate ng dating asawa ay kailangang ibigay sa parish office.
9. Para sa renewal of vows – Dalhin ang kopya ng Catholic Marriage Contract.
Civil Wedding
Ang magnobyo na nagnanais na magkaroon ng civil ceremony ay kailangang mag-apply ng marriage license. Kapag nakuha na ang marriage license, kailangang magpunta sa isang huwes o mayor para maidaos ang kasal. May sampung araw na paghihintay mula sa araw ng kasal bago mailabas ang marriage contract.
Alternative to Marriage Abroad
Maliban sa mga pamamaraan na nabanggit sa itaas, maaari ding mag-file ng fiancée petition para makapasok ang isang dayuhan sa United States. Ang paraan na ito ay makapagbibigay daan upang ang magnobyo ay maikasal sa United States. Maaaring tumawag ang American fiancé (e) sa opisina ng U.S. Bureau of Citizenship and Immigration Services para sa karagdagang inpormasyon, o kung siya ay nasa Manila, maaari siyang magpunta sa DHS-ICE window 25 (8:00am-11:00am) sa loob ng U.S. Embassy.
Saan ako makakakuha ng karagdagang impormasyon?
Impormasyon tungkol sa K-1("fiancé(e)”) or IR-1("spouse") visas ay makikita sa:
• The U.S. Embassy's Immigrant Visa Page.
• The U.S. State Department's National Visa Center in New Hampshire at (603) 334-0700.
Impormasyon tungkol sa immigrant visa petitions ay makikita sa:
• The website for the Bureau of Citizenship and Immigration Services
• The DHS office at the U.S. Embassy in Manila, Window 25 (open Monday to Friday from 8:00am to 11:00 am and 1:00pm to 3:00pm. 8:00am to 12:00nn); or by phone at (632) 301-2000, Ext. 2224; or
• The nearest office of the Bureau of Citizenship and Immigration Services in the United States; or
• The U.S. State Department's National Visa Center in New Hampshire at (603) 334-0700.
Impormasyon tungkol sa "Affidavit in Lieu of a Certificate of Legal Capacity to contract Marriage" ay makikita sa:
The Embassy's American Citizen Services Unit at (632) 301-2000, Ext. 2246 or 2567.